Abante Tonite Interactive

Sam kumalma sa pagbukaka

516

Parang nagdadalaga ang sexy actress-model na si Sam Pinto sa kanyang mga bikini post sa Instagram.

Patamis nang patamis ang mga pagpapaskil niya ng kaseksihan sa social media.

Kapansin-pansin kasing habang lumalaon, hindi kasing tapang ni Sam ang mga dati niyang bikini shot na nagpapakita ng kanyang alindog.

Hindi na rin masyadong bumubukaka ang aktres at hindi rin masyadong daring sa kanyang mga pose.

Nagtataka tuloy ang mga netizen kung pinakalma ba siya ng kanyang kasintahang si Anthony Semerad?

Wala namang isyu kung nag-tame sa kanyang mga sexy photo si Sam, dahil kung tutuusin ay bagay sa kanya ang mga pa-sweet na image.

‘Yung tipong virgin ang dating pero palaban.

Well, anuman ang maging eksena ni Sam sa kanyang pagpapaseksi, ang importante ay hindi nababawasan ang pamatay niyang pigura. (Rey Pumaloy)