Abante Tonite Interactive

Sam matambok

By
0 2,913

Kung me­ron mang nagtatag­lay ng pinakamagandang tambok sa balat ng showbiz, isa si Sam Pinto.

Ilang beses nang napatunayan ni Sam sa kanyang post sa Instagram na may karapatan siyang maging Reyna ng Tambok o mapa­sama sa top 5.
Kitang-kita naman sa latest­ post niya ang ang magandang hubog­ ng kanyang katawan.

Para siyang bulaklak na ngayon pa lang namumukadkad.

Maaaring nasa genes o gifted talaga sa parteng ito ang actress-beach resort owner-model-entrepreneur.

Hindi kataka-takang mapapangiti ang sinumang lalakeng titingin sa larawan ni Sam.

Mr. and Ms. Travel Ambassadors arangkada na

Ang National Association of Independent­ Travel Agencies (NAITAS) NCR-North Chapter at Quezon City Tourism Council­ ay magdaraos ng pa­geant search na Mr. and Ms. Travel Ambassadors.

Sila ang magiging kinatawan upang i-promote na ang pagta-travel ay isang makabuluhan at educational na uri ng paglilibang.

Ang mga kalahok ay dapat may taas na 5’9” sa lalake at 5’4” sa babae, natural-born Filipino, with pleasing personality at good communication skills sa English o Filipino.

Ang screening date ay sa Aug. 10-11, 3:30 pm-6:30 pm sa 206 Photography Studio, Unit 206 Corporate, 145 Bldg. #145 Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City. Maaaring tumawag sa 09175487993/ (02) 9361463 o kay Richard Hinola sa +639176185544. Magdala lamang ng swimming attire.