Abante Tonite Interactive

Sam nakakatuyo ng laman ang ‘kita-singit’ shot

By
6,495

PATALBUGAN ng kaseksihan ang mga kilalang celebrity mula sa Kapuso at Kapamilya network nitong nakaraang Holy Week.

Nagmistulang bikini body exhibit ang Instagram sa dami ng mga na­kabalandrang swimsuit photos ng mga artista.

Ang first time mom na si Rufa Mae Quinto ay dinisplay na ang kanyang sexy body sa isang two-piece swimsuit. Nakatayo habang nakahawak ang komedyana sa concrete-cemented-stone wall sa likod niya.

Tagumpay si Rufa Mae sa pagnanais niyang maibalik ang dating pigura dahil kitang-kita namang sumeksi uli ito.

Pa-hita naman ang drama ni Rhian Ramos sa photo niya na ang suot ay isang olive green two-piece bathing suit habang nakatayo sa beach front.

Nakalantad ang mga tattoo ni Rhian sa gilid ng kanyang hips at sa itaas na bahagi ng kanyang hita.

Halatang batak sa work out ang Kapuso star sa toned thights at legs niya. Meron rin siyang kuha sa IG na nakaupo siya sa ibabaw ng swimming pool suot ang isang light printed two piece hawak ang ice-cream stick.

Hindi na dapat pagtalunan pa ang kaseksihan sa parte ng katawan ng The One That Got Away leading lady lalo’t kahit saang anggulo ng body nito ay talaga namang pang-derby.

Pa-puwet naman ang drama ni Glaiza De Castro sa back shot ng photo niya sa tabing dagat suot ang isang green one-piece back trappy bathing suit. Kitang-kita ang makinis na singit sa puwet ng Contessa lead star.

Stolen habang tumatakbo mula sa swimming pool ang photo shot ni Bela na kuha sa Siargao.

Sa larawan na suot ang one-piece white swimsuit, bumawi si Bela sa mga comment sa kanya dati na ‘Belly Padilla’. Ang sexy ng katawan niya dala na rin ng pagkakaroon niya ng long legs.

Pang-beauty queen ang kaseksihan ni Bela at pang-international ang total beauty nito.

Papakabog ba naman ang ‘kita-singit’ shot ni Sam Pinto sa suot niyang one-piece blue bathing suit.

Hiyas na nga lang ni Sam ang natatakpan sa makipot na tabas ng kanyang swimsuit sa harapan.

Sinumang lalake ay ma­tatakam sa kaseksihan ng dating Kapuso star na ngayo’y isang Kapamilya na.

Iba rin naman ang hatid ng sexiness ni Sam, nakakatuyo ng lalamunan.

Lovi at Cris hindi hiwalay

NATULDUKAN na ang matagal nang sitsit na hiwalay na sina Lovi Poe at ang kanyang American businessman na si Cris Johnson.

Naka-post sa Instagram wall ni Lovi ang larawan nilang dalawa ni Cris na nasa isang happy mode.

Magkayakap ang dalawa habang nakatingin si Cris kay Lovi na punung-puno nang kaligayahan sa mukha.

Tila nasa moment ng kanilang paglalambingan at harutan ang dalawa.

@lovipoe, “Sunshine with a little bit of hurricane. Him being the sunshine me being the hurricane of course.”

Bago pa ang larawang ito, ipinapalagay na nag-cool ang dalawa dahil may isang buwang hindi nagpo-post si Lovi ng anumang photo nilang dalawa ni Cris.

Dati-rati kahit saang event dumalo ang aktres lagi nitong escort ang kasintahan. Pag naga-out of town ito hindi puwedeng hindi nya karayin si Cris.

Noong nakaraang­ Omega event sa Aman­pulo, walang anu­mang photo ni Lovi na kasama si Cris sa IG. Dahil dito, panay ang tanong mga netizens kung break na ba sila?

Ngayong nag-post na si Lovi ng photo niya with Cris, matatahimik na marahil ang mga nagdududa sa lovelife ng The One That Got Away actress.