Abante Tonite Interactive

Sam nakipag-dirty dancing kay Nadine

423

Napakalaking hamon para kay Sam Concepcion ang lumabas sa isang dance movie tulad ng “Indak”.

Katunayan, aminado siyang lumabas ang pagi­ging halimaw niya sa dance floor.

Hindi rin daw birong hirap ang dinanas niya during the making of the movie.

“The training is hard. It’s very taxing sa katawan. But that’s when you know you’re doing right. Dancing is a sport , you’re supposed to get hurt. Doon ka rin, natututo,” aniya.

Thankful naman si Sam sa Viva dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role ni Vin, ang lider ng dance group na Indak ‘Pinas sa nasabing pelikula.

Sey pa niya, naging opportunity din daw ang pelikula nila ni Nadine para mai-showcase niya ang kanyang galing sa pagsasayaw.

“We have a mix of different dances. We have contemporary slow dances at iba pa na dapat ­abangan,” pahayag niya.

Natatawa rin niyang ibinahagi na may montage raw ng dirty dancing ang dalawa na executed in good taste at hindi raw dahilan para ipagselos ng kanyang best friend na si James.

Pagbabahagi pa niya, marami raw ang makaka-relate sa pelikula dahil more than a dance movie, may puso raw ito dahil sa Pinoy vibe nito na tumatalakay ito sa puso ng tsampiyong Pinoy at pagmamahal sa pamilya. (Archie Liao)