Abante Tonite Interactive

Sam natorpe kay Catriona

0 541

NI: RONA RONDA

Speechless ang aktor na si Sam Milby sa birthday greeting sa kanya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Sinorpresa ang aktor sa FB live show ng Cornerstone Entertainment na CSTV Presents: Lunch With The Stars nitong Biyernes, May 22.

Ani Catriona, “Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness.

You are loved by so, so many!”

Hindi na naiwasan na tuksuhin nina Pooh at John Prats si Sam dahil bakas sa mukha nito ang kilig. Nahiya rin ang aktor na sabihin ang gusto niyang itugon sa mensahe ng beauty queen kaya’t napatakip na lamang ito ng tenga at napayuko.

Sa pagpipilit nina Pooh at John Prats, sa huli ay napaamin nila ang kaibigan sa tunay niyang nararamdaman para kay Catriona.

Sey ni Sam, “Basta I’m kilig sa message. Super kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you. Yes, you are very special. Very special.”

Inamin din ng aktor na kung minsan ay nagiging torpe siya kaya gano’n na rin ang reaksyon nito sa mensahe ng dalaga.

Matatandaan na nagsimula silang ma-link sa isa’t isa noong December, 2018, matapos kumalat ang litrato nang pagkikita nila. Subalit itinanggi naman nila na may malalim silang relasyon.

Tonite – Wendys Inhouse Ad