Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sam pakakasalan si Catriona

0 471

Tutuluyan talaga ni Sam Milby ang kanyang girlfriend na si Catriona Gray.

‘’I do believe she’s the one,” deklara niya sa virtual presscon ng bago niyang serye na “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Bet niya na makasama for life ang 2018 Miss Universe.

‘’Siyempre may difference ang edad namin. Ako I’m 36 and she is 26 . kaka-start pa lang ng career niya so, it’s early naman, but I believe she’s the one,” sambit pa ng aktor.

Anyway, tungkol sa “Ang Sa Iyo Ay Akin, ”aminado si Sam na kinabahan siya kay Maricel Soriano pag kaeksena ito kumpara kina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado. First time niya kasi itong katrabaho.

Pero sa unang taping nila sobrang suportado raw siya ni Maricel. Minsan daw kasi ay may duda sa sarili si Sam pero tinulungan daw siya ni Maria na magkaroon ng bilid sa katawan.

Samantala, mapapanood na simula Agosto 17 ang seryeng ito sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live. Bukod sa bigating cast, ang “Ang Sa Iyo Ay Akin.” ang pinakaunang orihinal na teleserye na ipapalabas sa Kapamilya Online Live.

Kilalanin sina Marissa (Jodi) at Ellice (Iza), ang matalik na magkaibigan mula sa magkasalungat na mundo. Mayaman at mula sa maimpluwensiyang pamilya si Ellice, samantalang simple lang ang pamumuhay ni Marissa kasama ang nanay niyang si Lucing (Maricel).

Halos magkapatid na ang turingan ng dalawa, ngunit sa isang iglap magbabago ang lahat — mapapatay ni Ellice ang anak ng isang congressman na magtatangkang gahasain siya, at si Marissa ang aako sa kasalanan ng kaibigan kapalit ang P10 milyon at ang pangakong hindi siya makukulong na alok ng ama ni Ellice.

Sa kasamaang palad, walang matutupad sa lahat ng ito at pagdurusahan ni Marissa ang lahat sa loob ng bilangguan. Walang kaala-alam sa sinapit ng kaibigan, itutuloy naman ni Ellice ang buhay sa US at makikilala si Gabriel (Sam), ang lalaking magpapatibok sa puso niya at kanyang magiging asawa.

Sa pagbalik nila sa Pilipinas, muling magkukrus ang landas ng dalawa, pero wala na ang Marissa na dating nakilala ni Ellice. Puno na ng poot si Marissa at pilit aagawin ang lahat ng meron si Ellice — pera, ari-arian, at maging ang asawa niya — at wala siyang ititira hanggang makuha niya ang hustisyang kanyang inaasam.

Saan nga kaya mauuwi ang plano ng paghihiganti ni Marissa kay Ellice? Patuloy pa kayang maipaglaban ni Ellice ang pagmamahal niya kay Gabriel kung tuluyan na itong makuha ni Marissa?

Dalawang magkaibigang sisirain ng isang kasalanan ang hahantong sa matinding salpukan para sa pag-ibig, pamilya, at yaman.

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay sa ilalim ng direksyon ni F.M. Reyes at Avel Sunpongco, at produksyon ng JRB Creative Production.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.