Abante Tonite Interactive

Sam tibo ang ipinalit ng ex-girlfriend

By
4,632

The WHO si Mari Jasmine sa diva that you love at care ko ba naman kung in a lesbian relationship siya with Samantha Lee na kahit direktor pa pasok sa banga na ma­ging the WHO times two.

Eh kaso, one time in her beautiful life, ito palang si Mari eh naging ex-girlfriend ni Sam Milby, thus I cannot help but wonder, alam na kaya ni Sam ang relasyong ito at ano nga opisyal niyang reaksyon?

In this day and age of sexual fluidity, and may American blood naman si Milby, madali niya kayang matanggap na ang babaeng minsan niyang minahal, kapwa babae na rin ang minamahal ngayon?

At sa mga lalaking millennial, mas madali bang tanggapin kung ang ex mo, babae ang ipinalit sa iyo?

Ang dream ni Mari, ayon sa kanyang post ay, “My dream is to live in a world where I feel safe walking down the street holding my girlfriend’s hand. A world where I have the same fundamental human rights that I would be entitled to if I were in a straight, heteronormative relationship.”

Young actor makapal ang mukha

Dapat bang gawing big deal ang tila ex deal arrangement na gusto ni Jameson Blake? Ang binatang tisoy kasi naghahanap ng graphic artist na may gagawing banner para sa kanya pero ang nasa nito ‘libre’ at ang kapalit, isang shout of thanks.

Siyempre pa, ang mga basher at hater, kinuyog si Blake dahil dito. Hindi makapaniwala ang madlang pipol na ‘makapal ang mukha’ ni Jameson na humingi ng serbisyong libre lalo na nga’t artista ito at tiyak namang may funds.

Nagpaumanhin na si Jameson sa kanyang ‘pagkakamali’. Dahil nga nagpaumanhin na si Blake, ang tanong ko, paano kung hindi lang shout out ang kapalit nu’ng inilalambing niya, at handa niyang i-treat ang graphic designer for dinner o kaya, dahil ang diva that you love, malala ang imahinasyon, katawan niya ang kapalit? May magagalit pa kaya sa kanya o marami agad ang magpriprisinta?

Dick-Carmi sumawsaw kay Coco

Ilan sa mga pangyayari sa showbiz ngayong linggo na umantig sa inyong diva that you love.

Reunited and it feels so good sina Roderick Paulate at Carmi Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’ ni Coco Martin.

Sa pagdating nina Kuya Dick at Ate Carmi sa pangmalakasang primetime drama, mukhang totoo nga ang balitang hindi ito magpapaalam sa ere ngayong Setyembre at may chance na pangmalakasan rin ang extension nito.

Curacha bigla si Martin, huh! Nasa Coco Martin drama na siya, nanay pa siya ni Arci Muñoz sa ‘Since I Found You’. Ma-wri-write off kaya ang katauhan niya sa romantic drama show ni Papa Piolo Pascual, o go for gold pa rin siya?

Ano naman kaya ang katauhan ni Kuya Dick? Bakla kaya ang kanyang gagampanan? Kung bekibels siya, ay riot ‘yun! Magaling na magaling si Paulate ‘pag bading ang ginagampanan, nakakabilib sa husay, effortless!