Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sam wapakels kay Clint

0 737

Ilang oras matapos magparamdam si Clint Bondad kay Sam Milby, nag-post sa social media ang huli.Isang video kung saan kasama ang dyowa na si Catriona Gray.

Sa mga hindi nakakaalam si Clint ay ex-boyfriend ni Cat for 6 years.

Matatandaang sa naunang Instagram story ni Clint, binahagi nito ang direct message niya kay Sam na, “Want to become my client?”

Nilagyan niya pa ng story caption na, “How about we have a little chat”

Related Posts

Makalipas ang ilang oras, parehong pinost nina Cat at Sam ang video ng fundraiser ng beauty queen na #PassTheKindness.

Sa video, makikitang kasama si Milby sa mga namimigay ng sako-sakong bigas sa mga pamilya sa Tondo, Manila.

“Thanks for being so supportive of my @youngfocusph family,” komento pa ni Gray sa IG post ni Milby.

Samantala, matapos ang ilang araw, nag-post ulit ng IG story si Bondad, may caption na “Oh no,” at may mensaheng “Your rate shall increase after 5:30” para kay Sam.

Hindi pa rin nagsasalita si Milby tungkol sa mga paramdam ng ex-boyfriend ni Cat. Parang hindi ito nagi-exist. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.