Abante Tonite Interactive

Sam YG nag-init sa ‘no panty’ pose ni Rhian

2,957

GINULAT at naloka na naman ni Rhian Ramos ang kanyang mga followers sa pinaka-latest photo posting niya kung saan halos kalahati na yata ng kaluluwa ng Kapuso star ay inilabas na niya.

Naging palaisipan sa lahat ang suot ni Rhian ang iba ay nagtatanong at ang iba naman ay nag-iinit sa kakaisip kung meron o walang suot na panty ang aktres.

Masisilip sa IG wall ni Rhian ang patagilid niyang shot suot ang isang black jumpsuit.

@whianwamos, “3 days to go, don’t let her go away,” caption ni Rhian sa larawan na ang mensahe niya ay patungkol sa magbubukas na serye niya sa Kapuso network.

Bukas ang kalahati ng damit ni Rhian sa bandang tagiliran niya na ang tanging nakakapag-fit sa naka-open na bahagi ng tela ay ang mga string.

Ang tawag yata sa tabas na ito ay ‘peek-a-boo’ dahil lumabas na parang hubo’t hubad na ang aktres sa suot nito.

@cloewe_hadid, “may panti kaya ito?”

@hanmasenpai, “no panty, no bra, so DAMN HOT!!”

@ate_elizabeth49, “Nakatulog lang ako, may pasabog ka na naman pala. At hindi ka pa nagsalawal..Luv u, See u on Sunday!”

@salvalancer, “@whiawamos, sinong nagtahi ng damit mo kakausapin ko nang masinsinan.”

Pati ang radio jock na si Sam YG ay napukaw ang atensyon at pinagsabihan si Rhian.

@_samyg, “@whianwamos huy! Wear a panty!”

Sinagot naman ito ni Rhian.

@whianwamos, “@_samyg safety first naman, a magician doesn’t reveal her secrets.”

Nag-comment naman ang isang follower para sagutin si Sam.

@leoniep72, “Hahahaha @_samyg invisible man panty ni @whianwamos.”

Sa ‘no panty’ outfit ni Rhian na ito, walang dudang winalis niya ang lahat ng nagpa-sexy sa linggong ito.