Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sama ng loob sa male personality bitbit ng pumanaw

0 256

kinamatayan ng mahal sa buhay Masakit at sugat na walang paggaling ang pagpanaw ng mahal natin sa buhay pero mas masakit kung hindi naresolbahan ang problemang namagitan sa pumanaw at sa naiwan.

Matindi ang ganu’ng senaryo, habambuhay na dadalhin ng naiwan ang transaksiyong hindi nagawan ng solusyon, mabigat ‘yun sa kunsensiya.

Kuwento ng aming source, “‘Yun mismo ang dinadala ngayon ng isang male personality na nagkaroon ng problema sa kanyang pamilya. Nagkasira talaga silang magkakapatid.

“Kung gaano sila ka-clannish nu’n, nagkaroon sila nang matinding problema. Kalaban niya ang mga kapatid niya, wala siyang kakampi sa laban,” unang kuwento ng aming impormante.

May namagitan naman sa kanila nu’n, pero hindi nagpaareglo ang mga kapatid ng male personality, itinuloy pa rin nila ang pang-aasunto sa kanilang kapatid.

Balik-kuwento ng aming source, “Napakahirap ng ganyang sitwasyon. Hindi siya magiging masaya. Pinakamasakit ang nangyari sa kanya dahil nagpaalam ang taong mahal na mahal niya na may bitbit na matinding sama ng loob sa kanya.” pagtatapos ng aming source.

Mariz wow mali sa kapusa

Magaling na news anchor si Mariz Umali ng GMA-7. Nasubaybayan namin ang kanyang mga ulat lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan nag-iikot siya para tumulong sa mga kababayan nating sobrang paghihirap ang pinagdadaanan dahil sa salot.

Kahapon nang umaga, habang nakatutok kami sa Unang Hirit, ay nagkaroon ng blooper ang magandang news anchor na ikinangiti niya.

Ang sabi ni Mariz, “Samantala, mga kapusa,” sa halip na kapuso. Walang perpekto, nangyayari talaga ang ganu’ng pangyayari, lalo na kapag live na humaharap sa mga camera ang host.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maraming ganu’ng senaryo, wala nang tatalo pa sa naganap nu’n kay Jiggy Manicad, nang sa halip na tao ay tae ang sabi nito sa kanyang report.

KC kinainisan sa pagbilad

Maraming naiinis kay KC Concepcion. Post daw kasi nang post ang dalaga ng kung anu-anong bahagi ng kanyang katawan sa social media samantalang hindi naman perpekto ang kanyang kurbada.

Wala raw sigurong pinagkakaabalahan ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kaya kung anu-ano na lang ang kanyang tinututukan.

May retrato kasi siyang nakadapa sa kama na nakalilis ang kanyang suot na halos nagpapasilip na sa kanyang puwet. Meron din siyang pasilip sa kanyang boobs at ang pinakahuli ay ang larawan niya kung saan kitang-kita ang kanyang mga bilbil.

Bina-bash si KC sa kanyang mga posts, ihanda raw muna sana niya ang kanyang katawan bago siya maglabas ng mga retrato kung saan siya napipintasan.

Kung napanood ng mga bashers ang panayam ni Ms. Luchi Cruz Valdes kay KC sa unang buhos ng programang Usapang Real Life ay mababawasan ang pagkainis nila sa dalagang aktres.

Aminado si KC sa nararamdaman niyang kalungkutan sa kanyang pag-iisa. Meron nang kani-kanyang pamilya ang kanyang mga magulang, siya nga ang panganay, pero wala naman siyang kasama sa buhay.

Sa panahon ng pandemya ay siya lang ang mag-isa sa kanyang condo, dalawang alagang aso lang ang kanyang kasama, siguro nga kapag ganu’n ang araw-araw nating rutina sa loob nang ilang buwan ng lockdown ay aatakihin din tayo ng pagkaburyong.

Pero nakatutuwang malaman na sa kanyang pananahimik ay maraming kababayan pala nating nagdarahop ang kanyang tinutulungan.

Walang press release, walang sabi-sabi, pero nagpapasalamat kay KC Concepcion ang mga kababayan nating natulungan niya sa panahon ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.