Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sama-sama sa Summer Saya

0 278

Hindi pa opisyal na idinedeklara ng weather bureau na PAGASA ang summer season pero ubod na nang init lalo na sa pagitan ng alas onse ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Hindi tuloy maiiwasang manlimahid sa lagkit at pawis ang ating katawan.

Ang solusyon ng iba sa mainit na panahon – magtampisaw sa beach o kaya’y sa private pool. Kaya naman marami na ang lumilipad pa-Boracay para roon maligo at ma-experience ang white sand.

Dito sa Tanza, Cavite, dinarayo rin ng mga taga ibang bayan at malalayong lugar ang ilang beach resorts at pools gaya ng Villa Excellance. Tila hindi alintana ng ilan nating kababayan ang panganib na dala ng Covid-19 pandemic.

Nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite kaya pinahihintulutan ang pag-swimming sa mga beach resort. ‘Yun nga lang, mahigpit ang ipinatutupad na health protocols. Sa entrada pa lang, kailangang sumailalim sa temperature check ang sinumang papasok sa loob ng resort. May health declaration form din na kailangang i-fill out.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Paulit-ulit din ang paalala ng Rural Health Unit – Tanza sa mga namamasyal, tiyakin ang pagtalima sa minimum public health standards. Ipinapayo ang BIDA – Bawal walang mask, I-sanitize ang mga kamay, Dumistansya nang isang metro at Alamin ang totoong impormasyon.

Ayon kay Dr. Ruth Punzalan, Municipal Health Officer ng Bayan ng Tanza, siguruhing nasusunod pa rin ang social distancing kahit nasa mga pasyalan o galaan. Iwasan din ang boodle fight sa mga beach resort. Kahit sa pagkain, dapat i-maintain ang physical distancing. Ipinunto rin niya ang distancing sa loob mismo ng sasakyan sakaling bibiyahe sa malalayong probinsya.

Batid ng health authorities ang pagkasabik ng maraming Pilipino sa galaan lalo na’t mahigit isang taon ding naka-quarantine ang malaking bahagi ng bansa dahil sa pandemya. Sabi ni Dr. Punzalan, ‘Walang masamang mag-enjoy, basta masiguro lang na nasusunod ang health protocols’.

Ika nga, mas masaya ang summer kung sama-sama tayong mag-eenjoy nang ligtas at walang magkakasakit. Hindi pa tapos ang laban sa Covid-19. Manatili pa rin tayong nakaalerto para makaiwas sa kalabang hindi natin nakikita.

Leave A Reply

Your email address will not be published.