Abante Tonite Interactive

Samahang Memphis-Gasol nagtapos

By
183

Itinuloy na ng Memphis Grizzlies ang pagbalasa sa roster, pinamigay si center Marc Gasol sa Toronto kapalit nina Jonas Valanciunas, CJ Miles at Delon Wright, at 2024 second-round pick.

Naiwan sa Grizzlies si Mike Conley, kasangga ni Gasol sa ilang playoff runs ng Memphis. Pero malamang ay hanggang katapusan na lang ng season din si Conley.

Matagal nang ugong na posibleng malipat si Conley sa Utah, Detroit o Toronto kasama ni Gasol.

Franchise-high ang 771 games ni Conley sa Memphis, nasa una­han lang ng 769 ni Gasol. Maninibago raw si Conley dahil wala na si Gasol, iba na ang mga makakasama niya sa locker­ room.

“It’s completely different feel,” anang point guard. “You get out there to play and you’re bringing the guys in the huddle and there’s no Marc.”

Unang pinamigay ng Memphis sina Garrett Temple at JaMychal Green sa Clippers kapalit ni Avery Bradley, nitong Huwebes ay kinumpira ring isu-swap si Shelvin Mack sa Atlanta para kay Tyler Dorsey at iwi-waive na si forward Omri Casspi na nagpapa­galing mula torn meniscus sa kanang tuhod.