Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Samantha nangabog ang ‘Granada Walk’

0 641

Super trending si Miss Grand Philippines Samantha Bernardo sa Twitter kahapon.

Napa-wow kasi ang mga netizen sa ipinamalas niyang flawless at confident na pagrampa sa swimsuit competition ng Miss Grand International pageant. Ginanap ito sa roof deck ng State Tower Bangkok sa Thailand.

Tinawag ni Bernardo na “Granada Walk” ang naging pagrampa niya sa swimsuit competition.

React ng netizen na si @miayuijing: “The pasarela, and the twirls WOW grabe hampas kung hampas ng balakang si teh. Miss Samantha Bernardo really came prepared for this. She own that stage.”

“Thank you Samantha Bernardo for raising the Philippine Flag! nakaka kilabot ang swimsuit performance!!! #GRANDnadaWalk #Philippines #MGI #missgrandphilippines,” sey naman ni @lesterlizardo.(IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.