Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Samantha palaban sa PBB

0 84

Muling magbubukas ang bahay ni Kuya at opisyal nang magsisimula ang “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition ngayong Sabado (Oktubre 16), 7 pm ng gabi.

Isa sa palaban sa PBB ay ang Miss Grand International 2020 first runner-up na si Samantha Bernardo (“Ang Bread-Queen-Her ng Palawan”).

Makakasama niya sina Alyssa Valdez (“Ang Heartstrong Phenom ng Batangas”) na isang tanyag na volleyball player, KD Estrada (“Ang Musical Wonder Boy ng Parañaque”) na pinahanga ang social media dahil sa kanyang husay sa pag-awit, at Madam Inutz (“Ang Mama-Bentang Live Seller ng Cavite”) na nabihag ang puso ng netizens sa kanyang nakakaaliw na istilo bilang online live seller.

Nariyan din ang “Squad Plus” member na si Anji Salvacion (“Ang Singing Sweetheart ng Siargao), ang actor at komedyanteng si TJ Valderrama (“Ang Laughter Lodi ng Manila”) na huling napanood sa “Hoy, Love You,”

Papasok din sa “PBB” house ang komedyante na si Brenda Mage (“Ang Fun-Along Comedian ng Cagayan de Oro”) na nakilala sa “Miss Q&A,” ang Kumu streamer na si Eian Rances (“Ang Striving Streamer ng Quezon”), at ang Kapamilya star na si Alexa Ilacad (“Ang Smartista Unica Hija ng Pasig”).

KAREN ‘KULONG’ ULIT

Kukumpleto rito sina Shanaia Gomez (“Ang Rising Darling ng Quezon City”) na nakilala sa “Idol Philippines,” ang MMA athlete na si John Adajar (“Ang Mr. Mixed Martial Ama ng Laguna”), at ang model at DJ na si Karen Bordador (“Ang Ms. Brightside ng Makati”).

Bukod sa housemates, magbibigay naman ng saya at updates tungkol sa mga kaganapan sa loob ng bahay sina Enchong Dee, Edward Barber, Richard Juan, at Sky Quizon, kasama ang tatlong “PBB” Big Winners na sina Melai Cantiveros, Maymay Entrata, at Kim Chiu. Sila ang mga katuwang nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Toni Gonzaga sa pagho-host sa bagong season ng “PBB.”

Coco, JM, Joshua, Alden, Dingdong salpukan sa Best Actor

Handang-handa na ang The Philippine Movie Press Club, Inc.(PMPC) sa selebrasyon ng ika-34 edisyon ng Star Awards For Television. Gaganapin ito sa ika-17 ng Oktubre,, 2021, Linggo, 6:00 ng gabi, sa pamamagitan ng virtual awarding. Mapapanood ito sa STV at RAD channels.

Sina Zsa Zsa Padilla, Gerald Santos, Ima Castro at Christian Bautista ang mga performer. Magsisilbing hosts sina Congressman Alfred Vargas at Sanya Lopez.

Pararangalan ang King of Talk na si Boy Abunda ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Igagawad naman kay Korina Sanchez ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.

Ang 34th PMPC Star Awards For Television ay sama-samang binuo ng mga officer at members sa pangunguna ng Presidente nitong si Roldan Castro. Katuwang ng club sa pagdiriwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño-Seguerra .Ganoon din ang Beautedem ni CEO at President Rhea Anicoche Tan. Ito ay sa direksyon ni Pete Mariano.

Bukod sa RAD at STV channels, ipalalabas din ito ng ika-9:00 ng gabi sa iba’t ibang online platform gaya ng PMPC Facebook Page, FDCP Facebook Page (Film Development Council of the Philippines) , Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, AbanteRadyo Tabloidista Facebook Page.

Sino kaya ang mananalong Best Drama Actress kina Coney Reyes, Jennylyn Mercado, Judy Ann Santos, Maja Salvador, Nora Aunor, Sunshine Dizon at Sylvia Sanchez?

Magsasalpukan din sina Alden Richards, Coco Martin, Dingdong Dantes, Jeric Gonzales, JM de Guzman, Joey Marquez at Joshua Garcia sa Best Drama Actor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.