Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Samar bukas na sa mga turista

0 59

Pwede nang bisitahin ng mga turistang mula sa Eastern Visayas ang lalawigan ng Samar.

Sa report, mula kahapon ay bukas na sa mga residenteng nasa modified general community quarantine ang lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Edad 16 hanggang 64 ang pinapayagan ng local government kung saan kabilang sa mga tourist destination na puwedeng puntahan sa lalawigan ang Ulot Torpedo Boat Ride, Paranas Ecotrail at San Juan by the Bay. Ngayong buwan ay bubuksan na rin ang Lulugayan Falls.

Sa Nobyembre 18 naman ang Balantak Falls at Saob Cave habang sa Nobyembre 20 ang Sohoton Cave.

Sa mga nais bumisita ay kailangang magpa-reserve muna at magpresinta ng medical certificate at travel authority. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.