Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Samar mayor, 3 PNP escort inambus

0 422

Binawian ng buhay ang alkalde ng Calbayog City sa Samar pati na ang umano’y tatlong pulis na kasama nito nang tambangan kahapon ng hapon.

Positibong kinilala ni Police Regional Office (PRO)-Eastern Visayas spokesperson Lieutenant Colonel Bella Rentuaya ang inambus na alkalde na si Mayor Ronald Aquino. Kasalukuyan namang kinikilala pa ang pulis na sinasabing kasama nitong nasawi habang ang isa pa ay nasa kritikal umanong kondisyon.

Sa inisyal na ulat, ganap na ika-5:00 ng hapon nang mangyari ang pananambang sa Barangay Lonoy, Rentuaya.

SM food to go Banner Ad

Habang sakay sa van ang mga biktima at bumabaybay sa nasabing barangay ay bigla na lamang umano ang mga itong niratrat ng di nakilalang mga salarin.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.