Abante Tonite Interactive

Samar misencounter kinondena ni Lacson

By
4,600

Mariing kinondena ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang misencounter sa pagitan ng militar at pulisya sa Sta. Rita, Samar noong Lunes.

Dismayado si Lacson sa aniya’y “meaningless” o walang saysay na pagkamatay ng anim na pulis dahil lamang sa kawalan ng koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng dalawang tropa.

Lumitaw aniya na nasayang ang pera ng gobyerno na ginugol sa recruitment at training ng Philippine National Police (PNP).

“It is indeed unfortunate since it was not the first time it happened. Aside from the meaningless loss of human lives, government resources have been unnecessarily wasted in the recruitment and training of the PNP (Philippine Natio­nal Police) concerned,” saad ni Lacson.

Kasabay nito, hinikayat ni Lacson ang joint investigation team ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP na pagtuunan ng pansin ang mga hakba­ngin na dapat ipatupad upang hindi na maulit ang pangyayari.

“The investigation therefore must focus on preventing any similar occurrences in the future and in other areas where troops from diffe­rent units are simultaneously operating against local rebels and secessionists,” diin ng da­ting hepe ng PNP.