Abante Tonite Interactive

Samar State U namahagi ng hand sanitizer

375

Umaabot sa 756 galon ng hand sanitizer ang ipinamahagi ng pamunuan ng Samar State University (SSU) para sa mga pamilya at mga frontliner sa Catbalogan City at kalapit na bayan bilang pangontra sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Nabatid na kakulangan sa hand sanitizer ang isa sa kanilang nakitang paraan para makatulong at maibahagi kaya gumawa sila para maipamigay.

Nagsimula ang SSU noong pang March 20 na mamahagi ng mga moisturized chlorine-based hand sanitizers para sa 38 villages, 13 front-line establishments, kabilang na ang rural health units, district hospitals, police offices, Philippine Army, mga banko at remittance centers.

Namahagi na rin sila sa kalapit bayan ng Calbiga, Hinabangan, Basey, Paranas, Matuguinao, at Jiabong. (Vick Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad