Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sambayanan pinagdasal sa Cory death anniversary

0 253

Nanawagan ng dasal para sa lahat sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic ng bansa ang pamangkin ni dating Pangulo Corazon `Cory’ Aquino sa ika-11 anibersaryo ng pagpanaw nito.

“Let us continue to pray for each other during these uncertain times,” ayon kay Rafael Lopa, executive director ng Ninoy and Cory Aquino Foundation, bilang paggunita sa mga nagawa ni Cory at kanyang asawa na si dating Senador Benigno `Ninoy’ Aquino Jr.

“Let’s keep safe everyone and let’s pray for each other,” aniya pa.

Nagsagawa ng online mass para alalahanin si Gng. Aquino, na pinangunahan ni Fr. Manoling Francisco.

Inalala nito kung papaano naging malapit sa Diyos sina Cory at Ninoy, at hinimok ang publiko na magdasal sa kabila ng kahirapan sa buhay dulot ng pandemya at mga desisyon ng gobyerno.

“We too are fearful and indignant… And so we ask the grace of God to transform our fear to courage, to transform our indignation to righteous anger. We pray our fears will not paralyze us. We pray for courage,” lahad ni Fr. Francisco.

Agosto 1, 2009 pumanaw si Cory dahil sa sakit na cancer, kung saan milyong Pilipino ang dumalo sa funeral procession nito para magbigay-pugay sa kanyang mga nagawa, tulad ng pagwakas ng diktaturya ni dating Pangulo Ferdinand Marcos. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.