Abante Tonite Interactive

Samboy Lim lodi ni Bong Alvarez

529

Tulad ng halos lahat sa kanyang henerasyon, idol ni Paul Alvarez si Samboy Lim.

High school pa lang si Alvarez noon, naglalakad na sa ere si Samboy sa kanyang gravity-defying stunts.

Nag-iipon si Alvarez mula sa kanyang allowance para makapanood sa Rizal Memorial Coliseum

tuwing may laro si Samboy at ang Letran sa NCAA.

Saksi si Alvarez nang giyahan ni Lim ang Knights sa three-peat noong 1982-84.

Hindi na kataka-taka na ang fan, gayahin ang laro ng idol.

Tulad ni Samboy, high-flyer din si Alvarez.

Hindi lang sila nagtagpo sa NCAA, dahil pagpasok ni Alvarez sa San Sebastian ng 1985 ay tapos na ang collegiate years ni Samboy.

Nagkrus ang landas nila sa PBA na.

Halos pareho ng laro: lumilipad, bumibitin, sumusugod.

Si Samboy ang Skywalker, si Bong-Alva ang Mr. Excitement.

Pareho na silang pro, pero hindi pa naghaharap at nagkakausap maliban sa tanguan sa laro.

May common friend sila, si Engr. Robert Evangelista, na nag-set ng dinner para magkita ang dalawa. 1989 na ‘yun, silang tatlo lang.

“Paulit-ulit niyang sinasabi, idol niya si Samboy,” ani Evangelista.

Tumagal ang pagkakaibigan hanggang pareho nang mag-retiro sa PBA, paminsan-minsan pa ring nagkikita.

Kaya nang atakehin si Samboy sa charity game ng Legends noong 2014, naapektuhan din si Bong-Alva.

“Nakakalungkot. Though nag-improve na rin naman kondisyon niya,” aniya.

Hindi pa makapagsalita si Samboy, nasa wheelchair lang. hindi maigalaw ang mga kamay at paa.

Nitong April 1, pinagdiwang ni Samboy ng 58th birthday.

Gusto nina Eng. Robert at Alvarez na pumunta sa condo ni Lim, pero dahil sa coronavirus ay nagdesisyong huwag na lang. Kinansela rin ang dapat sana’y celebration ni Samboy.

“Bumati na lang kami,” ani Engr. Robert. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad