Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Samboy, TNT walastik sa 3×3

0 68

Binitbit ni Samboy De Leon ang TNT sa tila kasaysayan matapos maging unang koponan na nagawang magwagi sa tuwing Leg 1 sa nakatayang tatlong isinagawang komperensiya ng PBA 3×3.

Nagtala si De Leon ng team-high na pitong puntos upang talunin ang Barangay Ginebra, 18-15, sa matira-matibay na 3×3 finals upang sa ikatlong sunod na komperensiya ay mapagwagian ng TNT ang opening leg ng PBA 3×3 na ginanap Linggo sa Robinson’s Magnolia.

Tumulong kay de Leon sina Almond Vosotros at bagong kakampi na sina Gryann Mendoza at Ping Exciminiano upang maipagpatuloy ng TNT ang tradisyon sa muling pagwawagi sa Leg 1 ng torneo. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.