Abante Tonite Interactive

Same-sex marriage tatalakayin sa SC

By
1,184

Naglabas na ng panuntunan ang Korte Suprema kaugnay sa mga oral argument na ipinatawag nito na may kinalaman sa petisyon na kumukwestiyon sa ilang probisyon ng Family Code na nagbaba­wal sa same-sex marriage.

Ang petisyon ay inihain ni Atty. Jesus Nicardo ­Falcis III laban sa Civil Registrar-General.

Itinakda ng Kataas-taasang Hukuman ang ­argumento sa Hunyo 19 ng alas-dos nang hapon.

Abante Hiring – IT dep

Kasama sa mga isyung tatalakayin ay kung ang itinakda bang limitasyon ng estado na ang ci­vil ­marriage ay dapat sa maganap lamang sa pagitan ng babae at lalaki ay maituturing na pagganap ng ­estado sa police power nito at ito ba ay hindi lumalabag sa equal protection clause ng Saligang Batas.

Kabilang din sa isyu ay kung ang pagkakait ba sa same-sex couple na magpakasal ay maituturing na pagkakait sa kanilang right to life at right to ­li­berty nang walang due process; kung ang pagpapakasal ba na nakabatay sa konsepto ng gender ng tao ay ­paglabag sa religious freedom at kung ­unconsitutional ba ang Articles 1 at 2 ng Family Code o Executive ­Order No. 209 na nagtatakda na ang pagpapakasal ay limitado lamang sa pagitan ng isang lalaki at ­babae.