Abante Tonite Interactive

Sampahan ng kasong estafa

By
2,799

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po. Hihingi po sana kami ng tulong kung ano ang maaari naming isampang kaso laban sa kilalang radio broadcaster at sa babaeng pinakikilala niyang asawa pero nalaman namin na hindi niya pala asawa ito.

May advertisement sila bilang travel agent at nagkukunbinse sa lahat para sa isang Holy Land package. Nakumbinse kami at nagbayad ako ng P300k pero di nila kami napaalis..Hindi rin nila naayos ang dokumento para makapag tour kami. Di rin nila binabalik ang pera namin.

Nag issue sila ng check pero tumalbog ito. Ano po ang gagawin namin? Nalaman namin na di sila rehistrado sa SEC o sa DTI.

Salamat po,

Rita

 

Ms. Rita,

Ayon sa kwento mo ay parang ikaw ay naloko dahil hindi nila natupad ang kanilang ipinangako na Holy Land tour. Sa ngayon ay lubhang napakarami ng nanloloko sa ganitong klaseng business dahil marami rin sa mga kababayan natin ang mahilig sa mga tour package hanggang sa mabiktima sila ng mga fly by night na tulad ng travel agent mo.

Dahil sa naloko ka ay maaari kang magsampa ng Estafa o isang kasong kriminal dahil sa panloloko.  Maliban dito ay maaari mo rin sampahan ng Violation of BP 22 dahil sa tumalbog ang kanilang check.

Magpadala muna po kayo ng isang demand letter upang malaman nila ang pagtalbog ng kanilang check dahil kailangan po na ipabatid sa kanila ang tungkol dito. Kapag hindi po kasi nila nalaman ang tungkol sa pagtalbog ng tseke nila ay maaari nilang gamiting depensa ito kapag nagsampa kayo ng kaso upang mapabalewala ng kasong Violation of BP 22(bouning checks law).

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com