Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sampol ang Lebanon: Robin pabor sa Anti-Terrorism Bill

0 547

Ginawang halimbawa ni Robin Padilla ang nakakapanlumong naganap na pagsabog sa Beirut, Lebanon para lalong paboran ang Anti-Terrorism Bill sa Pilipinas.

Ayon sa latest Instagram post ni Binoe, tulad ng Lebanon, ang PInas ay may mataas din daw na threat ng terorismo.

“Bismillah. Ito ang masasakit na ganap na dapat ay magsilbing babala at aral sa mga bansang may mataas na threat ng Terrorismo katulad ng Inangbayan Pilipinas.

“Ngayon malinaw na sa ating lahat kung bakit kinailangang higit na maisabatas ang Anti Terrorism Law. Umabot na po sa ganito ang kalupitan ng tao sa kanyang kapwa. Wala ng awa ang mga Terorista sa sibilyan…” ang post ni Robin.

Ibinahagi rin niya ang link ng isang artikulo kung saan ay nakasaad na nagpahayag ang USA President na si Donald Trump na ang naganap na pagsabog ay isang “terrible attack” taliwas sa statement ng Lebanese officials na posibleng aksidente lamang ang nangyari.

May mga netizen na nagkomento na hindi raw dapat paniwalaan si Trump at naniniwala silang kaya nagkaroon ng pagsabog ay dahil sa hindi wastong pag-iimbak ng ammunition nitrate.

Sinagot ito ni Binoe at aniya, mas naniniwala siya sa US President.

“Bismillah. Mas pinili ko paniwalaan ang american president at ang mga heneral ng estados unidos kaysa sa opisyal na pahayag ng lebamon. Kahit baguhin pa ng America ang kanilang official statement wag na wag ninyong kalilimutan na kayoy binalaan ni pangulong trump at pati na rin ako, itong post na ito ay babala patungkol sa bangis ng mga terorista sa henerasyon na ito..” sagot ni Binoe.

Frankie inasar si Doque

Isa rin ang dalagang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na si Frankie Pangilinan sa mga very vocal sa pagpapahayag ng kanilang saloobin tungkol sa gobyerno at sa mga national issues sa bansa.

Ang mga tweets niya ay laging pinag-uusapan dahil sa mga walang takot at matatapang niyang statements.

Tulad ngayon, talk of the town na naman ang latest tweet niya na kinukuwestiyon niya kung nakakatulog pa raw ba ang ating Department of Health Secretary na si Francisco Duque III.

“How does duque sleep at night?” ang tweet ni Frankie, obviously dahil marahil sa hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumataas ang bilang ng COVID-19 cases.

“The severe lack of empathy anyone would need to be that unapologetically incompetent is seriously beyond understandable it’s so deeply unsettling,” tweet pa ni Frankie.

Samantala, ang ama ni Frankie na si Sen. Kiko ay humihiling din na palitan na si Sec. Duque.

“Maawa naman sana sila sa ating mga kababayan. Maawa sila sa taumbayan. Palitan na po si Duque bilang DoH secretary at IATF head. Maghanap ng mas mayroong kakayahang sugpuin ang kambal na sakit ng COVID at kurakot.,” pahayag ni Sen. Kiko in a press release.

Leave A Reply

Your email address will not be published.