Abante Tonite Interactive

Samu’t saring baril nakalkal sa bahay ng negosyante

0 326

Inaresto ng pulisya ang isang negosyante na nahulihan ng iba’t ibang matataas at maiikling kalibre ng baril sa kanyang bahay sa Cabiao, Nueva Ecija noong Abril 13, Sabado.

Bandang alas-11:50 ng umaga nang salakayin ng operiba ng Cabiao Municipal Police Station at Regional Mobile Force Battalion 3 sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Judge Celso O. Baguio ng Gapan City RTC Branch 34 ang bahay ng negosyanteng si Jayson Domindo, nasa hustong gulang at taga-
Brgy. San Fernando Norte, Cabiao, Nueva Ecija.

Natagpuan sa bahay ni Domingo ang isang Karatay shotgun, isang M16 rifle, isang cal 9mm Glock pistol, isang cal. 45 CZ97B pistol, isang cal. 45 Smith & Wesson, isang cal. 6.35 Browning pistol; isang cal. 38 revolver at iba’t ibang bala.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay PRO3 Regional Director P/Brig. Joel Napoleon Coronel, sinampahan na ng paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) si Domindo. (Jun Borlongan)