Abante Tonite Interactive

San Juan ginulat ni Celiz, GenSan

256

Mga laro bukas, Lunes:
4 p.m. – Zamboanga vs Batangas
6:30 p.m. – Valenzuela vs Binan Laguna
8:30 p.m. – Manila
vs Iloilo

Sorpresang dinungisan nina Robby Celiz at Mike Williams ng GenSan Warriors ang defending champion San Juan Knights, 97-91, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 nitong Biyernes ng gabi sa Muntinlupa City Sports Center.

Pumuntos ng career-high 27 si Celiz nang gumawa ng 27 puntos habang bakas si Wlliams ng 23 mar­kers upang dumiretso sa seven-game winning streak ang Warriors tungo sa pagkapit sa Group B second spot sa 9-2 at lagariin ang sampung ragasa sa 11 games ng Knights na kapit pa rin sa primero sa Group A.

Naiwan ng 15 points ang GenSan pero nakabentahe ng 12 sa game i­neklipsehan ang 29 pts. ni John Wilson sa San Juan.

Sinangkalan naman ng Bicol Volcanoez (7-5) ang combined 40 pts. nina Ron Jason Buenafe (14), Jerome Garcia (14) at Alex Nueva (12) para makabalikwas sa 19-point deficit at masingitan pa ang Muntinlupa Ca­gers (3-9), 90-87. (Aivan Denzel U. Episcope)