Abante Tonite
Mabilis sa Balita

San Juan LGU may P8K ayuda mula sa DSWD

0 142

Masuwerte ang nasa 661 pamilyang residente ng San Juan City matapos na unahin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang pamamahagi ng P8,000 cash subsidy sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ng Emergency Subsidy Program.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nanguna ang San Juan City na makakatanggap ng payout mula sa DSWD sa ilalim ng Bayanihan 2.

Pinangunahan ni DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas at Mayor Zamora, kasama sina DSWD Central Office Director’s Ferdinand Budeng, Andrew Ambubuyog, at Atty. Bel Zamora, ang pamamahagi ng cash aid sa may 661 pamilya ng San Juaneños.

“Tayo po ang unang-una sa buong Pilipinas na makatatanggap ng payout mula sa Emergency Subsidy Program sa ilalim ng Bayanihan 2, kaya kami ay umaasa na ito ay makakatulong sa inyo, alam naman po natin na ang pandemyang ito ay isang malaking pagsubok sa ating lahat, ang walong libo na inyong matatanggap mula sa DSWD ay malaking karagdagan sa mga naunang ayuda na aming inihandog sa inyo, sana ay gamitin ninyo ito ng wasto sa pangangailangan ng inyong pamilya,” ayon sa alkalde.

Nabatid na isa sa nabiyayaan ng ayuda na P8,000.00 ay isang 99-anyos na lola mula sa Barangay Corazon de Jesus.

Sa kasalukuyan, nasa 59 active cases ng coronavirus disease (Covid-19) na lamang at target ni Mayor Zamora na gawing zero ang active cases sa San Juan bago mag-Disyembre. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.