Abante Tonite
Mabilis sa Balita

San Juan niresbakan: Yee, Davao kampeon

0 242

Binulaga ni ex-pro Mark Yee ang lahat nang isalpak ang krusyal na tres huling 13.4 segundo upang ialpas, iresbak ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa San Juan Knights Go For Gold sa overtime, 89-88, at kopoin din ang titulo ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 Linggo ng gabi sa Subic Bay Gym bubble.

Kinumpleto ng 39-year-old, 6-foot-3 forward at Sagay City pride ang katikasan sa kinayod na 19 points, 12 rebounds at 3 assists para tapusin ng Davaoeños ang best-of-five series kasama ang Games 1-3 win na 77-75 OT rin at 66-58.

Kasama ni Yee sa bombahan si Emman Calo na tumikada ng game-high 22 markers para maiganti ang pagkatalo sa host team sa Davao sa national finals din sa second season.

“Hindi ko gawa ito kundi ng Panginoong Jesus,” bulalas ni Yee na hinirang na Final MVP sa pinukol sa game winning shot. “Dahil alam namin na hindi namin kaya kung wala Siya. Ang ginawa lang namin, nagtiwala lang kami sa Panginoon.”

Nawalang-saysay naman ang 19 points at 8 rebounds ni Larry Rodriguez para sa deposed champion team na gigil pahabain pa ang serye sa Game 5 tapos tumabla sa Game 2 (70-65).

Ang iskor:

Davao – Calo 22, Yee 19, Terso 11, Robles 11, Mocon 9, Balagtas 8, Gaco 4, Saldua 3, Custodio 2, Ludovice 0.

San Juan – Rodriguez 19, Clarito 18, Isit 14, Wilson 13, Wamar 7, Tajonera 6, Gabawan 4, Ayonayon 3, Aquino 2, Estrella 2, Reyes 0, Pelayo 0. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.