Abante Tonite
Mabilis sa Balita

San Juan sa nat’l finals: Ayonayon syut ng tripol-dobol

0 302

Sabwatan sina Mike Ayonayon at ex-pro John Wilson nang samantalahin ng defending champion San Juan Knights ang pilay na Makati Super Crunch Skycrapers, 131-54, sa tinuloy na 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 North Division Finals Miyerkoles ng gabi sa Subic Bay Convention Center.

Bumomba si Ayonayon ng triple-double na tig-10 points at rebounds at 11 assists para pulbusin ang 5-man team lang na na karibal, na binoykot ng anim na player sa salary dispute bunsod ng Covid-19.

Sila ay sina former PBA players Rudy Lingganay, Joseph Sedurifa, Jeckster Apinan at Juneric ‘Jong’ Baloria, at nina Joshua Torralba, Cedsric Ablaza.

Rumatsada si Wilson ng game-high 22 markers, 6 boards at 4 dimes habang bakas si si homegrown talent Jhonard Clarito ng 20 pts., 13 rebs. at 4 asts.

“Medyo rusty pa pero sabi ni coach (Randy Alcantara) na go with the flow lang saka kulang ng players ang Makati kaya tinakbuhan lang namin nang tinakbuhan,” suma ni Chooks-to-Go best player of the game Ayonayon.

Angat na sa national finals ang San Juan at makakatapat ang mananalo sa itatakda pang South Division finals knockout Game 3 din ng Basilan Steel at Davao Occidental Tigers. Kinansela ang laro sanhi sa pagpositibo sa pandemya ang isang Basilan player kaya sumailalim ang buong team sa 1-week quarantine. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.