Abante Tonite
Mabilis sa Balita

San Lazaro kinansela Race 3-9

0 103

Napilitan ang Manila Jockey Club Inc. na kanselahin na lang ang Race 3-9 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Biyernes ng gabi.

Ang hakbang ay para sa kaligtasan na rin ng mga hinete’t kabayo dahil na rin sa kakulangan ng mga ilaw sa race track at iba pang bahagi ng pasilidad.

Wala ng ibinigay na ibang pahayag pa ang pangasiwaan ng nasabing lugar, pati ang pagtuloy o tuluyang kanselahin na lang ang siyam na karera.

Wala pa ring komento ang Philippine Racing Commission sa pagkabulilyaso ng event, na kinainis ng maraming karerista. (JPG)

Leave A Reply

Your email address will not be published.