Abante Tonite
Mabilis sa Balita

San Mateo PNP blangko pa sa inatakeng pamilya

0 316

Pumanaw na rin ang tiyuhin ng 8-anyos na batang babaeng unang nasawi matapos pasukin ng hindi pa kilalang mga suspek ang kanilang bahay sa Bgy. Maly, San Mateo, Rizal, Lunes ng umaga.

Ayon kay San Mateo Municipal Police Station chief Lt. Col. Jaycon Ramos, pumanaw sa ospital ang isa pang biktima na si Eduardo Caguioa Masigla, 58, dahil sa matinding mga pinsala sa ulo at katawan matapos na paghahampasin ng hollow blocks.

Habang maayos na umano ang kalagayan 84-anyos na lola na si Luningning Caguioa McDonald pero hindi pa ito makuhanan ng salaysay dahil sa mahina pa ang katawan.

Siyam na person of interest ang inimbitahan sa himpilan ng pulisya kabilang dito ang mga umuupang kalalakihan mula sa pagawaan ng siomai wrapper sa compound kung saan nakatira ang mga biktima. Gayunman, pinauwi rin sila matapos ang interogasyon dahil wala namang makapagturong testigo hinggil sa pagkakasangkot nila sa krimen.

Hinala ng pulisya, kakilala ng mga biktima ang mga suspek na pinaniniwalaang dalawa katao dahil sa dami ng mga alagang aso ng mga biktima ay hindi man lang umano nagkahulan ang mga ito nang mangyari ang krimen. Wala rin umanong nawala sa bahay ng mga biktima at wala ring forcible entry.

Unang napaulat na sinaksak ang mga biktima pero lumabas sa pagsusuri na hinampas sila ng hollow blocks na ibinalot sa tela. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.