Abante Tonite Interactive

San Miguel Alab inilipad ni Balkman

213

Minsan pang binitbit ni Renaldo Balkman ang San Miguel Alab Pilipinas tungo sa maigting na 78-59 panalo kontra host Mono Vampire upang manatili sa liderato ng 2019 ASEAN Basketball League Sabado ng hapon sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand.

Hindi napigilan ang Puerto Rican para sa nagtatanggol na kampeon na Alab Pilipinas sa paghulog nito ng kabuang 31 puntos, anim na rebounds, apat na steals at dalawang rebounds upang kolektahin ang ikatlong sunod na panalo.

Iniangat ni Balkman ang tikas ng Alab sa labanan matapos ihulog ang anim na sunod na puntos sa pagtatapos ng unang hati ng laro, 40-33, matapos na lumapit ang Mono sa isang puntos na lamang sa 34-33 iskor.

Abante Hiring – IT dep

Agad na nag-init sa pagsisimula ng ikatlong yugto ang Pilipinas sa paghulog ng kabuuang 22 bago ibinigay ni Balkman ang pinakamalaki nitong abante sa 17 puntos sa 62-45 sa isa nitong tres.

Nagdagdag naman si PJ Ramos ng 16 puntos, 19 rebounds at pitong assists habang si Bobby Ray Parks, Jr. ay may siyam na puntos, anim na rebounds, limang assists at dalawang steals.