Abante Tonite
Mabilis sa Balita

San Miguel gagawing kuryente mga plastic waste

0 94

Bibilhin ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga basurang plastik upang gamiting panggatong para sa kuryente ng mga planta nila ng semento.

Ayon sa SMC, kayang kumonsumo ng 1.5 milyong tonelada ng plastic na basura sa isang taon ang kompanya nitong Northern Cement Corp. kung kalahati ng ginagamit na panggatong ay papalitan ng plastik.

Paliwanag ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang, matagal nang nandiyan ang teknolohiya para gawing panggatong ang plastik para magkakuryente at ginagawa na ito ng Northern Cement at iba pang mga cement manufacturer.

Nakatutulong aniya ito sa kalikasan at mas sustainable kaysa sa tradisyonal na fuel.

Sabi ng SMC kahapon, katatapos lang ng materials handling facility nito sa Pangasinan kaya’t handa na silang gumamit ng mas maraming basurang plastic sa paggawa ng kuryente.

Gagamitin umano ng planta ang mga plastic bottle dahil ito ang pinakamaraming basurang plastic sa mundo. Ito ang dahilan kaya tinigil na ng SMC ang negosyo nito sa bottled water noon pang 2017. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.