Abante Tonite Interactive

San Miguel kumuha ng world-class builder sa Bulacan airport

0 421

Kinuha ng San Miguel Corporation ang serbisyo ng global firms Groupe ADPi, Meinhardt Group at Jacobs upang idisenyo at itayo ang P734 bil­yong New Manila International Airport sa Bulacan (NMIA).

Ang tatlong kompanya ang siyang gumawa sa mga world-class airport tulad ng Chiangi Airport sa Singapore, Atlanta Airport at Charles de Gaulle Airport sa Paris, France.

Tatapikin din ng SMC ang serbisyo ng world-class airport operator upang siyang mangasiwa sa premier airport ng bansa.

“This is our biggest investment in a single pro­ject to date, one that will definitely impact the lives of millions of Filipinos and the country in gene­ral — all the more reason for us to push for greater sustainability and choose the best people to work with us,” saad ni SMC president at COO Ramon S. Ang.

Tiniyak din ni Ang sa mga mangingisda na maaapektuhan ng proyekto na magkakaroon sila ng maayos na tahanan sa relocation site at may kasama pang fishin­g boat na magagamit nila sa kanilang hanapbuhay.

Muli din pinaliwa­nag ni Ang na ang proyektong ito ay makapagbibigay ng “better livelihood opportunities, not to take them away; ensure environmental balance and enhance resilience against calamities, because it’s the right thing to do.”

Itatayo ng SMC ang proposed airport sa 2,500 ektaryang property sa Bulakan, Bulacan na tinata­yang 30 kilometro ang layo sa Metro Manila at walang gastos sa gobyerno.