Abante Tonite Interactive

San Miguel liyamado sa PBA — Tenorio

MAY NANALO NA!

305

Ang powerhouse team na San Miguel Beer, mas lalo pang pinalakas sa pagdating ng isang super scorer ng liga, at isang national team veteran sa coaching staff.

Kaya biro ng Ginebra guard na si LA Tenorio, baka sa padating na 44th season ay lamunin na ang ibang koponan at tanging runner-up finish na lang ang paglabanan.

“’Di ko nga alam, baka runner-up na lang paglabanan namin,” saad ni Tenorio sa Spin.ph.

Abante Hiring – IT dep

Pinabagsik lalo ang koponan ng San Miguel, dinagdag si Terrence Romeo mula sa TNT KaTropa, ang pausbong na guard na si Paul Zamar at beteranong si Ronald Tubid.

Ngunit ang isa pa sa pinangangambahan ng mga koponan ay ang pagsali ni dating Gilas captain at one-time Asean Basketball League champion na si Jimmy Alapag.

Ayon kay Tenorio, tila may ‘Midas touch’ si Alapag na kahit anong hawakan ay nagreresulta sa kampeonato.

“I know Jimmy. Kahit saan siya magpunta nagcha-champion yung team niya eh, may it be coaching staff or player man siya. Meron siyang ganoong positive energy na dinadala, so I think it’s a great addition for them. Of course, alam mo madadala ni Terrence, di ba?” pakli ng Ginebra guard.

Gayunman hindi susuko ang Gin Kings na mapatalsik sa trono ang Beermen na target ang ikalimang sunod na Philippine Cup trophy sa pagbubukas ng liga sa Enero 13 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“Sila yung baro­meter eh. Although we beat them in the Commissioner’s Cup, I think in the all-Filipino, it’s still San Miguel. But we’re gonna prepare, not only against San Miguel, but also yung ibang teams na lumakas,” dagdag pa nito.