Abante Tonite
Mabilis sa Balita

San Pablo, Laguna balik liquor ban

0 410

Pinatupad muli ang liquor ban sa San Pablo City, Laguna makaraang tumaas ang bilang ng mga close contact o nakakasalamuha ng mga coronavirus patient.

Dismayado si Mayor Amben Amante sa mga pasaway sa lugar at mga nagsasagawa ng social gather na naging dahilan ng pagdami rin ng kaso ng COVID-19. May grupo din umano na nag-iinuman at gumagamit ng iisang baso, kaya nagdesisyon ang opisyal na muling ipatupad ang pagbabawal sa pagbebenta ng alak.

Humingi ng paumanhin ang alkalde sa mga maaapektuhang negosyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.