Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sana maayos ang gusot nina Aljur, Kylie – Cindy

0 232

NI: VINIA VIVAR

Aminado si Cindy Miranda na talagang ikinagulat niya ang pagkaka-link niya sa leading man sa pelikulang Nerisa na si Aljur Abrenica. Ang malala pa nga, siya ang pinagbibintangang third party sa paghihiwalay ng aktor at ng asawa nitong si Kylie Padilla.

“Nagulat po ako, eh, kasi, of course narinig ko na po ‘yung issue na ‘yan (ang hiwalayan) before pa mag-start ang Nerisa. So, I think po, nataymingan po yata ‘yung interview ni Sir Robin Padilla, so they thought na ako ‘yung naging dahilan.

“But then, kung malalaman po nila ‘yung timeline, it was really before Nerissa pa ay nangyari ‘yan,” sabi ni Cindy sa virtual mediacon kahapon.

Natuwa naman ang aktres na klinaro ni Aljur ang kanyang pangalan . Pero sana raw ay maayos pa ang gusot sa mag-asawa.

Magkaibigan lang daw talaga sila ni Aljur at trabaho lang talaga ang kanilang pinagsamahan.

Thankful naman siya sa mga taong nakakakilala siya na hindi naniwala sa tsismis kabilang na ang kanyang pamilya.

Samantala, lauching movie ni Cindy ang Nerisa at hindi nga niya naiwasang maging emosyonal sa presscon dahil sa sobrang pasasalamat.

Ayon kay Cindy ay ibinigay raw niya ang lahat ng makakaya niya sa pelikulang ito kaya sana raw ay magustuhan ng mga manonood.

Ngayong July 30 na mapapanood ang Nerisa sa mga streaming platforms tulad ng ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV at sa Vivamax

Kasama rin sa Nerisa sina Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Sheree Bautista, Vivamax Sexy Princess AJ Raval.

Leave A Reply

Your email address will not be published.