Abante Tonite Interactive

Sana manumbalik ang sigla ng Sta. Cruz Cockpit sa Ilocos Sur

388

Elech Dawa

Teenager pa lang ako ay naglalaban na kami sa Sta. Cruz Cockpit sa Ilocos Sur.

Tuwing magbabakasyon ako sa Sevilla sa lugar ng aking ama ay palagi kaming naglalaban sa SCC kasama ang mga pinsan ko at kapwa ko sabungero sa aming baryo.

Naalala ko noon napakalakas ng sabungang iyon dahil maraming sultada kaya marami ring dumadayo at nagta-trabisya.

Pero itong huling apat na taon kong pagbakasyon ay napapansin kong konti na lang ang mga sultada dahil konti rin ang mga naglalaban. Pero ang mga kalapit na sabungan tulad ng Sta. Lucia Cockpit at Tagudin ay halos hindi nagbabago ang sigla na nakagisnan ko rin, eh dumadayo rin ako sa Sta. Lucia Cockpit at dati sa Lacong, Tagudin pa ang sabungan.

Tulad noong Sabado De Gloria, maglalaban din sana kami sa Sta. Cruz Cockpit. Pero tinimbrehan kami na walang sabong dahil sa 1-cock ulutan sa Tagudin dumayo ang mga sabungero, samantalang dati alas-9 pa lang ng umaga ay ulutan na at umaabot ang mga sultada hanggang alas-5 ng hapon sa Sta. Cruz Cockpit.

Nakalulungkot lang kasi. Masasabi kong home court ko ang Sta. Cruz Cockpit kaya kahit alam ko na kaunti lang ang nagpupunta ay sinisikap ko na maglaban pa rin para kahit paano ay makatulong ako sa maliit na paraan.

Marami akong napansin kaya talong-talo sila marahil sa ibang mga sabungan. Sana ay pag-aralan ng manangement kung ano ang kulang at kung paano maibabalik ang dating sigla ng mahal naming sabungan.

Sana sa muling bakasyon ko ay manumbalik ang dating lakas ng sabong sa Sta. Cruz Cockpit.
***
Congratulations sa SevDong GameFarm. Dalawang panalo sila noong Lunes sa Sta. Cruz Cockpit, tatlo ang dala naming manok pero hindi ko na inulot ‘yung isa.

Boss Alan Dolores, ngumiti ka lang daw malaki ang panalo ng Team SevDong, congrats din sa mga nanalo, Boss Jose Lagartera at Boss Jaymar Jaramel pati si Manong Paos at Boss Ringo congrats ang galing ng manok niyo.

***
Mga kasabong may 3-Cock Derby ngayon sa Angeles Cockpit Arena baka gusto niyo magsabong­ arya na.

Sa Imus, Cavite naman ay “Araw ng Masa” ang kanilang pasabong, sa Imus Sports Arena naman ang ruweda kaya pili na kayo kung saan niyo gusto magsabong. Good Luck!