Abante Tonite Interactive

Sana may Lucio ‘Bong’ Tan Jr. pa

200

Matagal din ang na­ging koneksiyon ni Lucio ‘Bong’ Tan Jr. sa sports.

‘Di ko makakalimutan ang naging kontro­bersyal na pagbabalik at exit ng Tanduay sa Philippine Basketball Association tapos mabili ng ama niyang si Lucio Tan Sr. ang rhum sa mga Elizalde at pamahalaan niya ang cage operations.

Ang matagumpay na dominasyon ng Stag Pale Pilsen sa Philippine Amateur Basketball League na kalauna’y naging Philippine Basketball League bago nabuwag pagkaraan at pinalitan ng PBA Developmental League.

Ang pagiging sangkot niya sa matagal na panahong paglalaro sa Bankers Athletic Association cage tournament bilang player ng Allied Banking Corp. na ama rin niya ang may ari.

Ang madalas na pagiging national carrier ng Philippine Airlines sa mga pagsali ng mga atleta sa iba’t ibang paligsahan gaya ng Summer Olympic Games, Asian Games, Southeast Asian Games nang mabili ng tatay niya ang PAL sa gobyerno panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Madalas ding pagdausan ng Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night ang Century Park Hotel na mga Tan.

Maraming beses ko rin siyang nakadaupang palad sa humigit-kumulang sa isang dekada.

Saksi ako sa matagal na pagiging dikit nila ni Alfrancis Chua na naging coach ng Rhummasters at Pilseners. Lumipat mula Asia Brewery Inc. pa-San Miguel Corp. si Chualay, ngayo’y SMC sports director at governor ng Barangay Ginebra San Miguel ni Ramon S. Ang sa PBA Board.

Naibahagi ko lang ito sa inyo mga mahal kong mambabasa dahil ‘di ko siya nakitaan ng yabang noong bata pa siya hanggang sa yumao na siya Lunes ng umaga sa edad pa lang na 53.

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Bong. May you rest in peace Mr. Tan. Sana may dumating pang tulad ninyo. ‘Di lang masasabing isang mahusay na businessman kundi sportsman sa tunay na kahulugan ng katagang ito.
Mami-miss ka ng PH sports.
***
Maligayang kaarawan po sa mga nagdiwang na at magdiriwang pa lang sa buwang ito sa mga kasamahan ko rito sa Prage Management Corp., na mga naglalathala ng Abante at Abante TONITE.

Sila po ay sina Gemalyn G. Calunsag at Dennis T. Mahusay (Nobyembre 1), Marlon B. Santiago (Nob. 15), Fernando ‘Boyet’ E. Jadulco (16), Willy A. Salas (November 21), James B. Pedrezuela (Nov. 27), Adrian S. Galvez (28) at Allan M. Ibañez (Nov. 29).