Abante Tonite Interactive

Sanay tayo sa kalamidad

By
195

Patuloy na lumala­kas ang bagyong Ferdie habang tinatahak ang direksyon west-northwest patungong extreme Northern Luzon.

Habang sinusulat natin ang artikulong ito, ayon sa weather bulletin ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyo sa 780 kilometers east ng A­parri, Cagayan.

Taglay nito ang pinakamalakas na ha­ngin na 185 kilometers per hour at paggalaw na 20 kph. Dahil dito ayon, itinaas ng PAGASA ang typhoon cyclone war­ning Signal No. 1 sa Cagayan, Apayao, Batanes at Babuyan Group of Island­s.

Inaasahang papasok sa bisinidad ng Batanes ang bagyong Ferdie sa Miyerkules at lalabas naman ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes.

Nagbabala naman ang PAGASA sa lahat ng klase ng sea vessels na iwasan muna ang pagla­yag sa Bashi at Balintang Channels dahil sa maalon na kondisyon ng karagatan.

Sa dami ng tumatamang kalamidad sa ating bansa, sanay na ang maraming Pilipino.

Parang itinuturing ng iba na karaniwan na lamang sa ating kapag may mala­lakas na bagyo na nagdudulot ng matinding pagbaha.

Sa ulat ng Center for Research and Epidemiology Disasters (CRED) kapag buwan ng Agosto, madalas na ang ang Pilipinas ay nangunguna sa buong mundo sa pinakamaraming kalamidad .

 Maging baha man, landslide, tagtuyot o iba pang kalamidad dulot ng kalikasan, naranasan ng Pilipinas ang halos lahat ng klase ng kalamidad. Nagdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian ng mga mamamayang Pilipino ang mga kalamidad na tumama sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon ito sa inilabas na Post Disaster Needs Assessments ng World Bank (WB) at mga ahensiya ng gobyerno, isang halimbawa rito ay ang pinagsamang pinsala nina Ondoy at Pepeng, uma­bot sa 956 ang namatay, 736 ang sugatan.

May 84 pa ring katao ang patuloy na nawawala. Mahigit siyam na mil­yong katao ang apektado nito at nagkakahalaga ng US$4.38 bilyon ang pinsalang dulot nito. At batay sa rekomendasyon ng WB, nangangaila­ngan ng halos kasinla­king hala­ga ($942.9 bilyon sa pagrekober at $3,480.1 bil­yon para sa recons­truction) upang makapanumbalik muli ang Pilipinas mula sa pinsalang idinulot ng dalawang bagyo.

Sinasabi sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa sa kapaligiran, sa loob ng nakalipas na dekada ay dumadalas ang mga pagbaha, tagtuyot at baha, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ng Asya at Aprika.

Dulot daw itong paglala ng pagbabago ng klima o climate change na ang ibig sabihin ay makabuluhang pagbabago sa klima (temperatura, hangin at pag-ulan) sa buong daigdig o mga rehiyon sa loob na tumatagal ng ilang dekada o mil­yong taon.

Maaaring ang dahilan ng climate change ay mga natural na proseso ng pagbabago o likha mismo ng tao.

Ingat-ingat po tayo sa lahat ng panahon.