Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanaying salitan ang araw ng laro – Guiao

0 205

Naranasan na ng 12 PBA teams kung paanong maglaro sa bubble.

Kulong sa isang hotel, hanggang venue lang pinakamalayong mararating at pagkatapos ng laro ay babalik sa tinutuluyan.

Malayo sa pamilya, walang fans sa venue.

Dalawang buwan din ang PBA sa Clark bubble mula October para sa Philippine Cup na pinagharian ng Ginebra.

Last resort ng liga ang isa pang bubble play para matuloy ang 46th Season.

Dapat na gamayin ng players at teams ang every-other-day na laro, dahil ganito naman na ang trend sa iba.

“The practices actually, up to a certain extent, helps you, but to a certain point it burns you out,” pahayag ni NLEX coach Yeng Guiao nitong isang araw sa The Huddle. “The competition I think is really the best way to get better.”

Habang tumatagal ang laro – kahit hindi sa bubble – ay mas lalong nagkakagamayan at nagkakahasaan ng laro ang players.

“You do your practice in the offseason. You play and get better during the games,” panapos na sambit ng Road Warriors bench tactician. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.