Abante Tonite Interactive

Sanchez ‘wag bigyan ng second chance — Robredo

464

Hindi na kailangang bigyan ng second chance ang convicte­d rapist at murderer na si Antonio Sanchez dahil hindi naman ito magpakabait habang nasa kulungan, ayon kay Vice President Leni Robredo.

“Talagang maniniwala ako na dapat binibigyan ng se­cond chance ‘yung mga nagkasala, pero eto, ‘yung gaya nitong kaso ni Mayor Sanchez, hindi naman ito elligible bigyan ng second chance,” wika ni Robredo sa lingguhang programa nito sa DZXL kasama si Ely Saludar, na ko­lumnista rin sa Abante/Tonite.

“Kasi ‘yung pagkakulong sa kanya ‘yun na ‘yung chance niya na mag-reform,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na marapat lang bigyan ng second chance si Sanchez dahil sa malaking pinagbago nito sa kulungan.

Ngunit ayon kay Robredo, hindi maituturing na nagbago na si Sanchez kung ilang beses itong nahulihang nagpupuslit ng iligal na droga sa kulungan at nagdala pa ng aircon at telebis­yon sa selda.