Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandamakmak gustong magtayo ng PBA bubble

0 73

MARAMI ang gustong tumulong sa PBA sa pagtatayo ng bubble.

Martes ay limang kinatawan ng prospective sites ang nakausap ni commissioner Willie Marcial.

Kinabukasan, may dalawa pa siyang “sure” na kausap. May dalawa pang nagpasabi na interesado rin sila.

“Basta ang kailangan klaro dito, sila ang nagpi-prisinta,” paglilinaw ng commissioner.

Hindi lang tinukoy ni Marcial kung aling hotels o restors ang kinakatawan ng mga kausap.

May kanya-kanyang presentation ang mga ito.

“Lahat ng nag-present o magpe-present, parehong lang gusto – na magtulungan ang PBA at sila,” dagdag ni Kume.

Una nang binanggit ng liga ang Clark at Subic Freeport Zones, Inspire Sports Academy sa Calamba, El Nido sa Palawan, Baguio City at dating tahanang Smart Araneta Coliseum na posibleng pagtayuan ng bubble.

Nagpasabi pa raw ang isang grupo mula Middle East, gusto ring i-host ang bubble sa Dubai.

Titimbangin ng Commissioner’s Office ang pros and cons ng mga bidder, bago iprisinta ni Marcial ang rekomendasyon niya sa susunod na meeting ng PBA Board. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.