Abante Tonite Interactive

Sandara itinulak ng fan mayakap lang si Nam Joo Hyuk

6,968

 

Kumusta na kaya ang dalawang babaeng fan ng South Korean actor na si Nam Joo Hyuk? Siguradong bugbog na bugbog sila sa social media dahil sa ginawa nila sa Penshoppe FanCon.

Naging ‘wild’ ang dalawang babaeng fan at ibang fan pa raw ni Nam Joo Hyuk sa ginanap na photo op with NJH at Sandara Park sa Penshoppe Fancon sa MOA Arena noong Linggo, July 29 nang gabi.

Na-feature na rin sa allkpop.com ang larawan ng mga fan na ayon sa netizens, ‘disrespectful’, ‘inappropriate’, at meron pang nagsabi na tila na-’sexual abuse’ na raw ang K-actor.

Bahagi ng Penshoppe FanCon ang photo op sa dalawa nilang Korean star endorser sa ilang mapalad na nabunot para sa photo op, pero obviously, base sa fan video na napanood namin, tila hindi ganoon ka-istrikto ang security ng event or organizer.

Hindi naman namin masasabi kung hindi rin ba organized ang event dahil wala naman kami run personally, maliban lang sa mga naririnig naming komento na matagal bago pinalabas sina Sandara at Joo Hyuk at ang dami pa raw nag-perform.

Parehong YG Entertainment artist sina Sandara at Joo Hyuk, nagtaka rin kami dahil tila wala masyadong staff mula sa YG sa natu­rang event, could be, pinagkatiwala na ng YG nang buo ang security ng dalawa sa organizer?

Given na kasi sa mga fan meeting ng mga Korean artists, napakahigpit talaga ng security nila. Kung shake hands, shake hands lang at mabilis lang ito, same with photo ops naman, dapat na­ta-traffic din at talagang picture taking lang.

Base sa video na napanood namin, walang pa­kundangan ang mga fan na biglang humawak kay Joo Hyuk. Sa report ng allkpop.com, nahawakan daw ang K-actor sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito. Nagkaka­tulakan pa nga, ‘yung da­lawang fan na babae ang hindi nakapagpigil at sa totoo lang, medyo ‘ka-cheapan’ talaga ang dating lalo na kung sanay sila sa mga fan meeting ng mga Korean star, hindi nila gagawin ang ginawa nila.

Na-off naman kami para kay Joo Hyuk nang ‘yung isang babaeng fan, itinataas pa ang kamay ng K-actor para mag-heart sign ng ilang beses. Wala ring pakialam ang mga ito sa pakiusap ng event’s host na maririnig sa video na ‘no touching’ at maging ‘careful’ daw.

Kitang-kita naman sa na­ging reaction ni NJH na hindi ito komportable sa nangyari. Ni hindi na nito makuhang ngumiti at parang naging stiff na lang after the incident.

Kaya mas lalong nagalit ang mga fan niya sa social media at tila naawa sa K-actor. Ilan fans din ang nagwo-worry na dahil daw sa pangyayaring ‘yun, baka mas lalong mahirapan na mag-imbita ng ibang sikat na Korean stars na mag-fan meeting sa bansa.

Si Sandara ay halatang cool lang dahil sanay na sa mga Pinoy fan. Ito ay sa kabilang natulak pa siya para lang makayakap kay NJH. Pero posibleng nakakaramdam din ng ‘hiya’ si Sandara para sa co-artist niya sa YG dahil ever since, super promote si Sandara ng Pilipinas. Tapos, may ganitong insidente nga naman.
Anyway, nabasa naman namin sa ilang social media account kahapon, kabilang na ang Twitter ang statement ng fans club ni Nam Joo Hyuk sa bansa ang panghingi ng apology sa nangyari.

Ayon sa mga ito, “In behalf of all the fans from the Philippines, we, the NJHph would like to extend our sincerest apologies to Nam Joo Hyuk as well as to Dara, for what happened last night during the Penshoppe Fan Con Meet and Greet Photo Opportunity. We know many are disappointed on how some fans showed their excitement upon seeing him upclose on stage. Nevertheless, we ask for forgiveness on what had transpired. Thank you for your kind understanding.”