Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandara lumayas na sa talent agency

0 78

Isang malaking isyu pala kay Sandara Park ang pagtaba o pagdagdag ng timbang.

Mula nang maging Pambansang Krung Krung ng Pilipinas hanggang sa pagiging isa sa pinaka-sikat na K-pop Idol ay never itong nakitang nag-gain ng weight.

Sa recent Instagram post ni Sandara, nag-post ito na kumakain ng banana o saging. At may caption siya na, “Bananas are yummy~ trying to fill my stomach before I go into filming.Ramen…chicken…ddukbokki…chapaghetti…I want to eat it all.”

Sa IG post niya, nag-comment ang South Korean singer na si Younha kung bakit daw ito nagda-diet. Na sinagot naman ni Sandara nang, “I’m gaining weight now. Every food is too delicious.”

Sa isa sa mga naging guesting niya, nabanggit nito na she has always been a size XXS or double extra small. At kahit in sa industry, lalo na sa Korea ang mga slim, there was a time na nag-wish daw siyang talaga na sana mag-gain pa rin siya ng weight.

SM food to go Banner Ad

Ngayon naman, dahil din daw siguro sa palagi niyang nakakasama ang mga komedyante na sina Kim Sook at Park Na Rae na parehong mahihilig sa masasarap na pagkain, napapasabay raw siya at nag-gain daw siya ng 7-8 kilos.

At kuwento pa niya, for the first time raw, nagbayad siya for a gym membership para lang makapag-lose siya ng weight.

Sa isang banda, maraming ginulat si Sandara dahil after 17 years as an artist of YG Entertainment, nag-announce siya na hindi na nag-renew ng kontrata sa agency.

Sa ngayon, wala pang balita mula kay Sandara kung ano ang next plan niya. Kung siya na lang ba ang magma-manage ng sarili niya o may naka-plano na siyang agency na lilipatan.

Waiting din ang mga tagahanga niya sa susunod niyang announcement.

Leave A Reply

Your email address will not be published.