Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandara may bagong agency

0 65

Nakahanap na ng bagong agency na mamamahala ng kanyang career si Sandara Park (of course, known as Pambansang Krung Krung ng Pilipinas bago magka-career sa South Korea).

Marami ang nagulat sa naging desisyon ni Sandara na from 2016 ay isang YG Entertainment artist, and in fact, isa sa loyal na natira sa YG Ent. Kahit na disbanded na ang grupo nilang 2NE1. Pero early this year, inanunsiyo nga niya na wala na siya sa YG Entertainment at hindi na siya nag-renew ng kontrata.

Tila matagal namang pinag-isipan ni Sandara kung saan agency siya magpapa-manage dahil ilang buwan din na tila on her own lang ito, though, very visible pa rin kahit na wala na sa YG…

Ang Abyss Company ang bagong agency ni Sandara. At sa pagsisimula ng “ber” months official na ipinakilala ng agency si Sandara bilang bago nilang artist.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Naglabas ang Abyss Company sa kanilang social media account ng “Welcome Sandara Park” kasabay ang mga new profile pictures at video.

Ang statement na inilabas ng Abyss Company, “We are happy to be part of the new beginning of Sandara Park, who has been loved both domestically and abroad for a long time. We will of course support her to the fullest so she can show the public her new sides and charms that she has yet to showcase, and she will carry out various activities for global fans as well.”

Ilan sa mga artists na ng Abyss Company na makakasama ni Sandara ay sina Park Won, Urban Zakapa, Sunmi, and GOT7’s BamBam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.