Abante Tonite Interactive

Sandara may mensahe sa mga 2NE1 fan

310

May mensahe si Sandara Park sa ika-sampung taong anibersaryo ng 2NE1.

Hindi maikakaila na miss na miss na niya ang mga tagahanga nila na “Blackjacks.”

Sa Instagram post niya, isang mahabang caption sa English ang pinost nito.

Ayon kay Dara, “Back in 2009, the four of us in 2NE1 were excited on what the world had to offer. We didn’t expect that we would be given the best fans in the world. We didn’t expect that we would have fans in many parts of the world. To countries who don’t speak and understand our language. We are very grateful that Blackjacks embraced us. And because Blackjacks were everywhere, we were able to go to different countries. To places we only see on maps.

“10 years later, you are still here for us. Through joys and tears. Even when we had drastic hairstyles and outrageous stage costumes, you still loved and supported us. I can’t believe how much you mean to us — 4 Korean girls who just wanted to perform onstage. We can’t thank you enough for the love. How we all wish we can thank each one of you and give you a hug. But I hope this message would be enough for now to show you how much Blackjacks mean to us. Thank you. I love you.”

Kung may wish man ang mga tagahanga ng 2NE1, ito ay ang makita silang muli na magkakasama sa isang show o concert.
***

Ha Sung Woon h­uling kausap ni Yoon Ji-Sung

Minsan pang napatunayan ng Wanna One kung gaano sila naging close sa isa’t isa.

May mga solo career na sila simula nang ma-disband sila at bumalik sa kanya-kanyang agency.

Sa lahat ng miyembro, si Yoon Ji-Sung ang kauna-unahang nag-enlist na sa mandatory military service dahil sa edad nito na 28.

Natawa siya nang tanungin kung sino raw ang huling taong tinawagan niya bago siya tulu-yang mag-enlist. Na-realize niya na ang huling taong kausap niya sa phone ay si Ha Sung Woon.

Si Hang Sung Woon ay isa rin sa dating member ng Wanna One.

Nagbigay naman si Ji Sung ng mensahe sa mga fan niya na ‘wag mag-alala sa kulang dalawang taon niya sa loob ng military.

Sa isang banda, bago mag-enlist, naglabas si Ji Sung ng special album noong April 25 na “Dear Diary” at nagkaroon din ng fan meeting sa Tokya, Osaka at Seoul.