Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandara nag-donate ng 30,000 mask

0 245

Gumawa ng personal na paraan si Sandara Park para sumuporta at tumulong ngayong pandemya.

Noong October 6 ay nagbigay si Sandara ng 30,000 masks sa pamamagitan ng donation platform CELEBe.Ang mga mask ay pinagkaloob niya sa Korea Children’s Incurable Disease Association, ang We START at sa Korea Pediatric Cancer Foundation.

Bago pa ito, nagkaroon din siya ng bazaar.Ang lahat ng kinita niya ay dinonate rin niya. Ibinigay niya ito sa mga batang may leukemia at pediatric cancer para raw maiwasan nila ang risk na mahawa ng COVID-19.

In fairness kay Sandara, tahimik lang pero sa simpleng paraan niya, may ginagawa talaga siya para makapagbigay ng suporta.

Yung pagba-vlog at pagpunta lang ni Sandara sa Pinoy Market ay suporta na rin niya ito para mas maraming tumangkilik sa naturang lugar.

Si Sandara ay 100% Korean pero ang puso ay half-Pinoy at half-Korean.

Leave A Reply

Your email address will not be published.