Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandara nag-Tagalog sa Korean TV show

0 435

Ang cute ng guesting ni Sandara Park sa isang TV show sa Korea, ha! Mala-talk show ito, na guest nga si Sandara, at isang Korean actress.

Eh, parang may pa-acting challenge sila, na si Sandara ang gaganap bilang api-apihan ng isang mother in law.

Sa eksena, tila nilalait na si Sandara ng Korean actress, at sinabihang hindi niya type ang pananamit nito. Kasunod pa ang mga chika na hindi talaga niya ito bet, at kinamumuhian niya ito bilang misis ng kanyang anak.

At bagamat sumasagot si Sandara, pero sa sobrang pagkataranta, bigla itong nagsalita ng Tagalog.

“Ano pong sinasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan!” saad ni Sandara.

Na siyempre ay ikinagulat ng mga tao sa paligid, dahil sila naman ang hindi nakaintindi sa chika ni Sandara. At siyempre, nauw na lang sa halakhakan ang lahat.

Kaloka, dahil kahit sa Korea, krung-krung talaga si Sandara, ha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.