Abante Tonite Interactive

Sandiganbayan associate justice pumanaw sa pneumonia

316

Yumao sa edad na 64 dahil sa pneumonia ang isang associate justice ng Sandiganbayan.

Namatay si Sandiganbayan Associate Justice Reynaldo Cruz noong ­Biyernes, Pebrero 21.

Si Cruz ay itinalaga ni dating ­Pangulong Benigno Aquino III noong Enero 20, 2016.

Nakatakda sana siyang magretiro sa Hulyo 8, 2025.

Siya ay senior member ng Fourth ­Division ng anti-graft court. (IS)